Ganito ang mundo malaki, malawak may nakaraan may hinaharap ang kabuuan ‘di maabot ng pang-unawa Ganito ang lipunan matatag, makapangyarihan mahirap usisain mahirap palitan ang kalagayan ay pilit na pinaniniwalaan Ganito ang tao maliit, mahina may kasalukuyan – ‘di maintindihan ang kasaysayan ng mundo mahirap turuan – ‘di matanggap ang katotohanan sa lipunan